May ibubuga si Jefferson
MANILA, Philippines - Naglaro na parang import si Reil Cervantes sa fourth quarter kasama si point guard Roi Sumang.
Ngunit ipinakita ni Cory Jefferson ang kanyang pagiging reinforcement nang akayin ang Alaska sa 109-95 panalo laban sa Blackwater para makisos-yo sa liderato ng 2017 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.
Tumapos si Jefferson na may 28 points at 15 rebounds para sa ikalawang sunod na panalo ng Aces, nagmula sa 107-79 paggupo sa Globalport Batang Pier noong Sabado para tumabla sa nagdedepensang Rain or Shine Elasto Painters at Meralco Bolts sa itaas ng team standings.
“Cory is a great fit for us because he’s not a ball dominator,” sabi ni head coach Alex Compton kay Jefferson, nagtala din ng 2 assists, 2 steals at 1 shot block.
Ito naman ang ikalawang dikit na talo ng Elite.
Pinangunahan ni Cervantes ang Blackwater, nanggaling sa 116-118 double overtime loss sa Phoenix sa kanyang 21 points kasunod ang 14 ni import Greg Smith at 13 ni Sumang.
Matapos kunin ang 52-43 abante sa halftime ay pinalobo ng Alaska ang kanilang kalamangan sa 21-point lead, 72-51 mula sa alley-hoop dunk at bonus free throw ni Jefferson sa gitna ng third period.
Nagtuwang naman sina Cervantes at Sumang sa fourth quarter para idikit ang Elite sa 93-102 sa hu-ling minuto nito kasunod ang jumper ni Jefferson at dalawang free throws ni Abel Galliguez na naglayo sa Aces sa 106-93 sa natitirang 37.5 segundo.
ALASKA 109 - Jefferson 28, Cruz 15, Exciminiano 13, Racal 12, Thoss 10, Abueva 9, Galliguez 7, Pascual 5, Banchero 4, Mendoza 4, Enciso 2.
Blackwater 95 - Cervantes 21, Smith 14, Sumang 13, Buenafe 11, Belo 9, Digregorio 8, Ababou 4, Sena 4, Pascual 4, Aguilar 3, Gamalinda 2, Miranda 2, Pinto 0.
Quarterscores: 27-23; 52-43; 80-68; 109-95.
- Latest