Unang panalo ng Meralco
MANILA, Philippines - Hindi man isang big-time scorer si import Alex Stephenson ay malaki naman ang kanyang naitulong sa depensa.
Humakot si Stephenson ng 21 rebounds at 3 shotblocks habang umiskor ng pinagsamang 36 markers para tulungan ang Meralco sa 94-86 panalo laban sa Mahindra sa pagbubukas ng 2017 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nagdagdag si Stephenson, naglaro sa NBA para sa LA Clippers at Memphis Grizzlies ng 11 points.
“We had solid contributions form a lot of guys…and we tried to recruit an import hat would fulfill our needs in the middle,” sabi ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black.
Ang three-point shot ni Baser ang nagbigay sa Meralco ng 12-point lead, 42-30 sa huling minuto ng second period kasunod ang banked shot ni Jared Dillinger para ibaon ang Mahindra, 44-30 sa natitirang apat na segundo.
Naidikit ng Floodbuster ang laro sa 67-68 sa 9:12 minuto ng fourth quarter habang naglunsad ang Bolts ng 10-0 atake para muling makalayo sa 78-67 sa 6:44 minuto nito.
Tumapos si balik-import James White na may 33 points at 16 boards para pangunahan ang Mahindra, habang may 21 markers si Alex Mallari.
Samantala, inaasa-hang ipaparada ng Alaska ang bago nilang import na si Cory Jefferson, ang last pick ng San Antonio Spurs noong 2014 NBA Draft at huling naglaro para sa D-League affiliate na Austin Spurs, sa kanilang pagharap sa Globalport ngayong alas-5:15 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Bago pa man magsimula ang komperensya ay umuwi sa United States ang original import nilang si Octavius Ellis, pinsan ni Dallas Mave-ricks guard Monta Ellis.
Sa unang laro sa alas-3 ay magtutuos naman ang Blackwater Elite at Phoenix Fuel Masters.
- Latest