^

PM Sports

Tuluy-tuloy ang SEAG Baton run

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines - Target ng host Malaysia na masungkit ang overall title sa 29th Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur sa Agosto 19-31.

Sabi ni Malaysian deputy Minister of Youth and Sports Nik Abd. Kadir Mohammad, ang pagkopo ng titulo ay ang pinakamalaking regalo na maibibigay nila sa kanilang bansa na magdiriwang ng  Ika-60 Independence Day sa Agosto 31.

“It’s really our sweetest gift for the country during our 60th Independence Day celebration. Our mission really in the 29th Sea Games is to win the overall crown so that our celebration will be completed and it will come on the day all the games will end,” sabi ni Mohammad kahapon pagkatapos ng ginanap na Sea Games “Rising Together” Baton Run mula Malacañang ground hanggang sa Cultural Center of the Philippines.

Nangako naman si Philippine Sports Commission chairman William Ramirez na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang naturang Baton run na simbolo ng awareness, solidarity, friendship at understanding sa mga 11 bansa na kalahok sa bennial Sea Games.

“We are willing to continue the journey of “Rising Together,” ayon kay Ramirez tungkol sa Baton run na ginanap sa unang pagkakataon simula nang magsimula ang Sea Games noong 1959 sa Bangkok, Thailand.

Ang Pilipinas ay ang susunod na host ng Sea Games sa 2019 at ito na ang ika-apat na pagkakataon na ginawa dito ang competition, ang una ay noong 1981 at sinundan noong 1991. Ang huli ay noong 2005 kung saan nag-overall champion ang Team Philippines sa unang pagkakataon.

Pagkatapos ng pagdaraos sa Pilipinas ng nasabing symbolic run, pinasa naman ni Malaysian Ambassador to the Philippines Dato Raszlan Abdul Rashid kay Laos Peoples Democratic Republic Deputy Chief of Mission Souksanith Vongphankham ang Baton para sa ikatlong destinasyon ng symbolic event. Ang Pilipinas ay ikalawa sa tumanggap ng Baton kasunod ng Brunei.

MINISTER OF YOUTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with