^

PM Sports

Cignal-SBC, Racal agawan sa No. 1

Marvin Lumba - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magtutunggali ang Cignal-San Beda at Racal Ceramica para sa unang puwesto ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City mamayang hapon.

Magsisimula ang kanilang laro sa dakong alas-5:00 kasunod ng labanang CafeFrance at Team Batangas sa ganap na alas-3.

Pormal nang pasok sa semifinals ng Aspirants’ Cup ngayong taon ang Cignal at Racal matapos silatin ng Racal ang CafeFrance sa iskor na 82-78 noong Huwebes sa Ynares Arena sa Pasig na naging sanhi ng pagtatabla nila sa rekord na 7-1 at pagbaba ng CafeFrance sa 6-2 na nagtanggal sa kanila sa tunggalian para sa pangalawang automa-tic semifinals berth.

Bagama’t kapwa sigurado na sa semis, inaasahang matindi pa rin ang magiging laban ng dalawang koponan kung saan nakasalalay rin ang kanilang makakaharap laban sa mga mananalo sa quarterfinals match-ups.

Aasahan pa rin ng Tile Masters sina Kent Sa-lado, Sidney Onwubere, Allan Mangahas at Rey Nambatac para malampasan ang pinakamainit na koponan sa liga, ang Hawkeyes na ibinabandera nina Robert Bolick, Jason Perkins, Andreas Cahilig at Javee Mocon na hawak ang momentum ng kanilang seven-game winning streak.

Samantala, nahaharap naman sa isang must-win na sitwasyon ang Batangas katapat ang third place na CafeFrance.

Kinakailangang talunin ng Team Batangas ang Bakers para panatilihing buhay ang kanilang pag-asa sa huling puwesto sa quarterfinals at kung magwawagi ang Tanduay sa JRU.

Makakaakyat lamang ang Batangas sa pang-anim na puwesto kung tatalunin ng Tanduay ang JRU bukas sa kanilang huling laro at kung magagapi nila ang CafeFrance ng anim na puntos pataas, sa bisa ng quotient system.

 

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with