^

PM Sports

Racal Ceramica sigurado na sa semis

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nanguna sa panalo si Letran Knight Rey Nambatac na umiskor ng 24 na puntos, walo sa fourth quarter para tulungang makausad sa semi’s ang Racal at tumabla sa 7-1 kasama ng Cignal-San Beda.

Matapos itabla ni Congolese bigman Rod-rigue Ebondo sa 71 ang laro sa nalalabing 1:40 ng fourth quarter, tinapos ng Tile Masters ang game sa pamamagitan ng isang 11-7 run na inumpisahan ng tres ni Nambatac sa ika-1:19 minuto ng laro para agawin ang panalo sa Bakers.

Dahil sa panalong ito ng Racal, pasok na rin sa semi’s ang Cignal, na kanilang makakalaban sa kanilang mga huling laro sa eliminations.

“Malaking bagay sa chemistry namin coming from a win,” pahayag ni Racal head coach Jerry Codiñera. “I’m glad we were able to beat them (CafeFrance).”

Gumawa naman ng 24 na puntos, 12 rebounds, at limang blocks si Ebondo habang nag-ambag naman ng 19 na puntos at siyam na rebounds si Paul Desiderio para sa Bakers na bumagsak sa 6-2 sa solo third place.

Sa isa pang laro, isang panalo na lang ang layo ng Tanduay sa fourth place at bentaheng twice-to-beat sa quarterfinals matapos pabagsakin ang Blustar Detergent, 78-60.

Nagtala ng 17 puntos, limang rebounds at tatlong assists si Mark Cruz para pamunuan ang opensiba ng Rhum Masters, na umakyat sa rekord na 5-3 matapos manalo sa pa-ngalawang sunod na laro.

Tuluyang itinakbo ng Rhum Masters ang laro sa second quarter matapos lumamang ng 42-18, na hindi nahabol pa ng Dragons.

Bagama’t malapit na sa inaasam na quarterfinals berth, hindi pa gaanong kuntento sa ipinapakitang laro ng kanyang koponan si Tanduay head coach Lawrence Chongson papalapit sa kanilang huling laro ng eliminations laban sa JRU para pormal na umusad sa playoffs.

“Alam namin ‘yung scenario, how we’re going to perfom or show up si another story,” ani Chongson. “I still don’t see ‘yung consistency to play with the big boys, ‘yung top three. I’m not looking beyond JRU but the way we’re playing is still a concern for me.”

Isa rin sa mga inaalala ni Chongson ang tatlong manlalaro na idinagdag niya sa kanilang line-up matapos matalo ng dalawang sunod na laro.

“Hopefully mag-gel kami in time,” dagdag ni Chongson. FML

RACAL CERAMICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with