Jennings pinakawalan, Noah ooperahan
NEW YORK - Wala na si Brandon Jennings sa New York, sinabayan pa ng pagsasailalim ni center Joakim Noah sa isang operasyon sa tuhod.
Kung maghahangad ang New York Knicks na makapasok sa playoff ay gagawin nila ito nang wala ang dalawa nilang key veterans na kanilang pinapirma noong offseason.
Pinakawalan ng Knicks si Jennings noong Lunes at pinapirma si guard Chasson Randle.
Sumailalim naman si Noah sa isang left knee arthroscopy at maaaring hindi makalaro sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo.
Bitbit ngayon ng Knicks, nakuha si Derrick Rose sa trade, ang 24-35 record at nasa ilalim ng eighth-place na Detroit Pistons bago ang kanilang laban sa Toronto Raptors.
Nagtala si Jennings ng mga avera-ges na 8.6 points at team-high na 4.9 assists sa 58 games bilang backup ni Rose.
“Brandon obviously wanted to play more minutes here,” sabi ni coach Jeff Hornacek. “With Derrick out there, it made it awfully tough, so maybe this gives him an opportunity to get somewhere where he can play some more minutes.”
- Latest