Racal lalapit sa outright semis sa pagsagupa sa JRU
MANILA, Philippines - Muling itataya ng Racal Ceramica ang kanilang malinis na re-kord sa 2017 PBA D-League Aspirants Cup sa kanilang laro laban sa Jose Rizal University sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City ngayong hapon.
Magsisimula ang laro sa alas-5 ng hapon kasunod ng pagtutuos ng AMA Online Education at Wangs Basketball sa alas-3.
Mahalagang laro ito para sa Racal na sinisipat ang automatic semis slot na makukuha ng top two pagkatapos ng eli-mination.
Nais namang tuldukan ng JRU ang kanilang three-game losing skid para panatilihing mataas ang kanilang tiyansang makapasok sa quarterfinals.
Aasahan ng Heavy Bombers ang pamumu-no nina Gerard Bautis-ta, Teytey Teodoro, at Paolo Pontejos para sila-tin ang Tile Masters at makaiwas sa posibleng pagbaba sa pang-pitong puwesto na maaring magresulta sa pag-agaw ng Team Batangas sa kanilang puwesto sakaling manalo ang mga ito sa kanilang laro bukas kontra Blustar.
Muli namang pupuntahan ng Tile Masters sina Kent Salado, Rey Nambatac, Sidney Onwubere, at Jackson Corpuz para tumapat sa isa sa limang school-based na koponan na kasali ngayon sa liga.
“It's a school-based team full of vibe, full of energy,” pahayag ni Racal head coach Jerry Codiñera. “We'll try to match 'yung energy nila and sana 'yung expe-rience namin will count a lot.”
Puntirya naman ng Titans (5-2) ang panga-lawang automatic semis slot na maaari pa nilang makuha depende sa mangyayari sa mga susunod na laro ng Cignal-San Beda at CafeFrance, habang susubukan namang makatikim ng panalo ng Couriers (1-5) na hindi nila nagawa sa kanilang huling limang laro. (FMLumba)
- Latest