^

PM Sports

La Salle, Ateneo ‘di natinag

Marvin Lumba - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsalo sa ikalawang puwesto sa standings ng women’s division ng UAAP Season 79 volleyball tournament ang magkaribal na De La Salle University  at Ateneo De Manila University matapos manalo sa kani-kanilang mga laro sa San Juan Arena kahapon.

Winalis ng defending champions na Lady Spikers ang Adamson University, 25-12, 25-16, 25-15 na siya ring ginawa ng Lady Eagles laban sa University of the East 25-14, 25-21, 25-21 upang kapwa umakyat sa 4-1 panalo-talo.

Nanguna sa pangalawang sunod na panalo ng Lady Spikers sina Kim Dy na kumolekta ng 15 puntos at Aduke Ogunsanya na naglista ng 11 puntos.

Nahirapang sumabay ang Lady Falcons sa Lady Spikers sa buong laro dahilan rin sa mas malalakas na serve ng La Salle kung saan nakakuha sila ng 11 puntos.

Muli ring nagpakita ng matinding depensa sa net ang Lady Spikers na pumoste ng 11 block points na sinuportahan ng magandang depensa sa pamamagitan ng kanilang 51 digs.

Nagbigay naman ng 13 at 11 puntos sina Michelle Morente at Bea De Leon, ayon sa pagkakasunod para sa pangatlong sunod na panalo ng Lady Eagles.

Lumaban ng husto ang Lady Warriors sa huling dalawang set ng laro, ngunit nanaig pa rin sa dulo ang swabeng opensiba ng Lady Eagles para kunin ang panalo, sa pamumuno ng 35 excellent sets ng kanilang kapitan na si Jia Morado.

“Ngayon ko nga lang sila (UE) nakita ng malapitan parang walang maliit sa loob so talagang nag-improve talaga sila this year,” pag-amin ni Ateneo assistant coach Sherwin Meneses.

Gumawa naman ng tig-11 puntos sina Shaya Adorador at Mary Anne Mendrez para sa UE, habang tumapos naman ng may pitong puntos si Jemma Galanza para sa Adamson na kapwa na-ngungulelat sa ibaba ng standings sa 0-5 rekord.

Sa mga laro sa men’s division, itinala ng three-time defending champion Ateneo ang kanilang pang-limang sunod na panalo ng season kontra sa  bokya pa ring UE, 25-17, 25-13, 25-22 habang nakuha naman ng Adamson ang kanilang unang panalo ngayong taon nang igupo ang La Salle, 26-24, 24-26, 25-20, 28-26.

 

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with