^

PM Sports

Tagumpay ng Lady Chiefs para kay Javier

Pang-masa

NCAA Womens volleyball post mortem

MANILA, Philippines - Tinulungan din ng yumaong asawa ni coach Obet Javier na si  Amy Marie ang Arellano University Lady Chiefs para mabawi ang korona sa 92nd NCAA women’s volleyball na nagtapos noong Martes sa Philsports Arena sa Pasig City.

Tinalo ng Lady Chiefs ang San Sebastian College Lady Stags, 25-15, 22-25, 25-23, 25-16 sa Game Three ng Finals para sa kanilang ikalawang titulo sa women’s division, ang una ay noong 2014.

“Actually noong Game One pa lang, alam ko na andon ‘yung misis ko. Lagi kong sinasabi sa kanya na i-guide mo ako, i-guide mo kami. Alam ko na gustung-gusto mo na manalo uli tayo sa NCAA,” sabi ni coach Obet Javier patungkol sa asawang pumanaw kamakailan lamang dahil sa sakit na lung cancer.

“Maganda rin ‘yung motivation namin kasi nga sabi nga ng mga players ko, ‘Coach, ang unang-unang motivation namin is para kay Tita (Amy Marie Javier ),’ dagdag ni Javier.  “Nagpapasalamat ako sa player ko na kasi sa ganoong bagay, nalaman ko na talagang dinamayan nila ako.”

Ang panalo ng Lady Chiefs ay ikatlong sunod laban sa nag-sweep sa elimination round na Lady Stags. Nagwagi rin sila  25-18, 25-20, 25-16, sa opening game noong Martes na sinundan ng 18-25, 25-16, 25-11, 26-28, 15-13 panalo sa Game Two noong Biyernes.

Ayon kay Finals Most Valuable Player Jovielyn Prado, gusto talaga nilang manalo para matupad ang kanilang pangako na ialay ang tagumpay sa kanilang Tita Amy Marie, ang No. 1 supporter ng koponan sa araw mismo ng Valentine’s Day.

“Sobrang halaga po kasi. Buong taon po kaming naghirap eh. Lahat kami nag-training. Lalo na po sa pinagdaanan ni coach, ayun po talaga ang motivation talaga namin,” sabi ni Prado, ang 2nd Best Outside Hitter ng 92nd season.

“Ayun po, kasi si coach,  sobrang tatag. Halos hindi namin alam na may pinagdadaanan na po siya. Noong nalaman po namin, nag go-hard po talaga kami para hindi niya na po kami intindihin. Ayun po ang ginawa namin.”

Samantala, pagkatapos ng volleyball season,  nanatiling matatag si three-straight MVP Grethcel Soltones para ituloy ang kanyang career kahit hindi siya nakatikim ng kampeonato sa loob ng limang taon sa San Sebastian College Lady Stags.

 (Francisco Cagape)

OBET JAVIER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with