^

PM Sports

Racal diretso sa 2-0 para sumosyo sa liderato

AKONG BANAT - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ipinalasap ng Racal Ceramica sa AMA Online Edu-cation ang kanilang unang pagkatalo sa iskor na 78-73 sa kanilang laban sa 2017 PBA D-League Aspirants Cup na ginanap sa Ynares Arena sa Pasig kahapon.

Nagtala ng 16 na puntos, 6 anim na rebounds at apat na assist si Arellano University guard Kent Salado para sa Tile Masters upang masungkit ang kanilang pangalawang sunod na panalo at sumosyo sa maagang liderato ng standings kasama ang Jose Rizal Universiry.

Nakabawi ang Tile Masters sa huling 1:43 ng fourth quarter matapos mabitawan ang kanilang 30-13 na bentahe sa first quarter sa likod ng mga key baskets ni Allan Mangahas at key assist ni Salado kay Jackson Corpuz upang tuluyang ilayo sa Titans ang laban at nakalamang pa ng 63-56 sa 6:33 minuto  ng huling canto.

Inamin ni Racal head coach Jerry Codiñera na hindi nila gaanong sineryoso ang AMA dahilan sa kanilang bentahe sa tangkad kaya’t nawala ang kanilang kalamangan sa second quarter.

“We underestimated AMA because of their height. We used to play like that in the NCAA, we play small,” ayon kay Codiñera. “We were ha-ving a hard time with the way we defend. But buti na lang with their (the players) effort and naniwala sila (na kaya nila).”

Umiskor naman ng 23 puntos si Jeron Teng habang nag-ambag naman ng 21 puntos si Juami Tiongson para sa AMA na nalaglag sa 2-1

Samantala, ipinalasap ng Team Batangas sa Victoria Sports-MLQU ang kanilang pangalawang sunod na pagkatalo sa iskor na 88-85.

Kumubra ng double-double na 17 puntos at 10 rebounds  si starting  guard Joseph Sedurifa kasama ang 5 assist para ihatid ang Team Batangas sa kanilang unang panalo. FML

RACAL CERAMICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with