Jose Rizal gustong makisosyo sa liderato
MANILA, Philippines – Susubuking kunin ng Jose Rizal University ang kanilang pangalawang sunod na panalo sa 2017 PBA D-League Aspirants Cup sa kanilang laro kontra sa Team Batangas sa Ynares Arena ngayong hapon.
Mag-uumpisa ang laban sa ganap na alas-3:00 ng hapon na susundan ng harapang Victoria Sports-MLQU at Wangs Basketball sa alas-5:00 ng hapon.
Nakuha ng JRU ang kanilang unang panalo laban sa koponan ng Blustar Detergent noong Martes sa iskor na 75-64 kung saan nakabawi sila sa kanilang masamang simula upang maiuwi ang panalo.
Sinabi ni JRU coach Vergel Meneses na ito ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin sa kanilang pagharap sa Team Batangas.
“Ang tingin ko ‘yung good start namin, ‘yung problema namin sa depensa tsaka ‘yung exe-cution namin,” pagsasaad ni Meneses.
Pangungunahan ang JRU nina Teytey Teo-doro at Gerard Bautista na siyang nagsilbing one-two punch ng koponan sa kanilang paggapi sa Blustar Detergent habang aaba-ngan namang muli ang ipapakitang laro nina Joseph Sedurifa, Don Fortu at Mapua guard CJ Isit para sa Batangas.
Masusubukan naman sa kanilang unang laro sa D-League ang Victoria Sports na binubuo ng mga manlalaro ng Ma-nuel L. Quezon University na makakasamang maglalaro nina dating San Beda guard Ryusei Koga at ng streak shooter ng Arellano na si Zach Nicholls.
Makakatunggali nila ang koponan ng Wangs na binubuo ng beteranong si Marlon Gomez, dating EAC General na si John Tayongtong at dating Letran Knight na si Rey Publico.
- Latest