^

PM Sports

SSC volleybelles umusad sa finals

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Humataw si Gretchel Soltones ng season-high 30 puntos upang pangunahan ang 22-25, 25-22, 25-13, 25-14 panalo ng San Sebastian Lady Stags laban sa defending champion St. Benilde Lady Blazers kahapon para walisin ang elimination round ng 92nd NCAA volleyball tournament na ginanap sa FilOil Flying V Arena ng San Juan City.

Dahil sa importansiya ng laban, binuhos ni Soltones ang buong lakas kabilang na ang 29 kills para makamit ang ika-siyam sunod panalo ng Lady Stags at dumeritso na sa Finals tangan ang thrice-to-beat advantage.

Umani ng kabuuang 55 kills at 10 service aces ang Lady Stags sa paghihiganti  sa Lady Blazers na tumalo sa kanila, 3-0, sa best-of-three championship series  noong nakaraang taon.

Ang Lady Blazers ay bumagsak sa ikatlong puwesto sa 6-3 card habang ang San Beda Red Lionesses ay ikaapat sa parehong 6-3 win-loss slate. Unang maghaharap ang Lady Blazers at Red Lions sa knockout semis bukas at ang mananalo ay lalaban kontra sa No. 2 Arellano Lady Chiefs sa stepladder semifinal format.

 Si Katherine Villegas ay umiskor din ng 12 puntos habang 10 naman mula kay Joyce Sta. Rita para sa kanilang ikalawang sunod na sweep sa elimination round.

Sa men’s division, nagwagi naman ang St. Benilde Blazers laban sa San Sebastian Stags, 25-14, 24-16, 31-29, 25-20  para masungkit ang ikawalong panalo sa siyam na laro at makasiguro ng twice-to-beat advantage sa Final Four.

Sa ibang women’s match, nagwagi rin ang Arellano Lady Chiefs kontra sa Perpetual Help Lady Altas, 17-25, 25-16, 25-19, 25-13 para manatili sa ikalawang puwesto sa kanilang 8-1 card at makuha ang twice-to-beat edge. Ang Lady Altas ay bigong pumasok sa Final Four.

Umiskor  si Isaah Arda ng 23 puntos habang 19 naman kay John Vic de Guzman upang pangunahan ang panalo ng Blazers at ibagsak ang SSC Stags sa 3-6 record pagkatapos ng elimination round.

Ang San Sebastian Staglets naman ay naka-ukit sa kanilang kaisang panalo sa pitong laro sa pamamagitan ng pagpadapa sa CSB-DLSGH Greenies, 25-16, 24-26, 25-14, 25-19 sa laro ng Juniors division.

GRETCHEL SOLTONES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with