^

PM Sports

Sina Rondina, Santiago ang magdadala sa UST at NU

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Ibinigay kina hitter Cherry Rondina at middle blocker Jaja Santiago ang tungkulin bilang kapitan ng kanilang mga koponan sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament na magsisimula sa Pebrero.

Ginawang kapitan si Rondina ng University of Santo Tomas Tigresses sa kanilang training camp sa Thailand noong nakaraang linggo, habang si Santiago naman ang magiging pinuno ng 11-woman line-up ng National University Lady Bulldogs.

Pinalitan ni Rondina ang kanyang batchmate na si EJ Laure na siyang kapitan ng Tigresses noong Season 78 kung saan nagtapos sila sa pang-anim na puwesto.

Babaunin ni Rondina ang kanyang na-ging karanasan sa 2016 Asian Women’s Club Championships na ginanap sa Biñan, Laguna bilang manlalaro ng Foton Pilipinas at ang kanilang Final Four stint sa Shakey’s V-League Collegiate Conference noon ding nakaraang taon upang pamunuan ang Tigresses kasama nina Laure (EJ) at senior Pam Lastimosa sa kanilang kampanya na muling makabalik sa Final Four.

Pinili naman na ma-ging kapitan ng Lady Bulldogs si Santiago dahil sa kanyang natural na pagiging lider, ayon sa kanilang coaching staff.

Bagama’t kulang ng tatlong manlalaro sa kanilang line-up, hindi ito tinitingnan ng Lady Bulldogs bilang kahinaan bagkus ay ginamit nila ito para pagtibayin  ang kanilang samahan.

Kasangga ni Santiago sa kumpetisyon ng Season 79 sina Jasmine Nabor, Jorelle Singh at Fil-Japanese Risa Sato na maglalaro sa kanyang unang season matapos ang 1-year residency dahil sa kanyang paglipat mula sa Ateneo.

Magsisimula ang kampanya ng magkabilang koponan sa unang araw ng season sa Pebrero 4 kung saan makakalaban ng NU ang UE habang makakatapat naman ng UST ang dating back-to-back champions na Ateneo. FML

CHERRY RONDINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with