Perpetual Spikers sinaluhan ang Benilde sa liderato
MANILA, Philippines – Pinabagsak ng defending champion Perpetual Help ang Jose Rizal, 25-19, 25-22, 25-18 para makisosyo sa pamumuno sa St. Benilde na nagpalakas ng kanilang tsansa sa twice-to-beat advantage sa Final Four ng 92nd NCAA men’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.
Nagtulong ang magkapatid na Rey Taneo, Jr. at Relan sa pagdedeliber ng mahahalagang puntos upang igupo ang Altas na nagposte ng kanilang ikapitong panalo sa walong laro para saluhan sa pamumuno ang Blazers at mangailangan na lamang ng isang panalo upang makasiguro ng twice-to-beat incentive sa susunod na round.
Kailangan nilang magawa ito sa pagharap sa Arellano U, kasalukuyang No. 4 team sa taglay na 6-2 (win-loss) slate, sa final playdate ng elimination round sa Miyerkules.
Tumapos si Rey na may 11 hits para panguna-han ang lahat ng scorers habang si Relan ay nagtala ng match-best na 37 excellent sets.
Sinabi ni Perpetual Help mentor Sammy Acaylar, ang itinalagang national men’s team coach, na ang kanilang panalo ay dahil sa kanilang matin-ding determinasyon.
“It’s a matter of wanting to win because we can achiever anything if we show willpower,” pahayag ni Acaylar.
Tinapos ng Bombers ang kanilang kampanya sa 1-8 panalo-talo.
- Latest