Corteza nakuntento sa 2nd place
MANILA, Philippines - Isinuko ni Filipino veteran campaigner Lee Van Corteza ang 6-16 kabiguan kay Russian Ruslan Chihanov para makuntento sa runner-up honors sa World Pool Series’ Molinari Players Championship kahapon sa Steinway Billiards sa Astoria, New York.
Dahil sa pagkatalo ay tumanggap ang 37-anyos na si Corte-za ng $8,500 (higit sa P400,000) sa nasabing $100,000 8-ball tournament.
Nakakuha din ang Pinoy cue master ng 40 ranking points patungo sa susunod na mga yugto ng four-event tour.
Bago makapasok sa finals ay tinalo muna ni Corteza si British Darren Appleton, 18-16, sa semifinals.
Sinibak naman ni Chihanov, nagbulsa ng premyong $20,000, si Filipino bet Johann Chua, 15-8, sa semis.
Si Chua ay tumanggap naman ng $5,250 at 50 ranking points sa kanyang pagtatapos sa joint third.
Si dating world champ Dennis Orcollo ay umabot sa quarterfinals ngunit napatalsik ni Appleton, 12-15.
Tumanggap si Orcollo ng $3,500 at 40 rankings points, samantalang si Carlo Biado ay nasibak sa Last-16 ni Japanese Oi Naoyuki mula sa 10-15 kabiguan.
- Latest