^

PM Sports

Teng masusubukan sa pagsagupa ng AMA laban sa Batangas ngayon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magsisimula nga-yong hapon ang 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Arena sa Pasig City.

Ipapakilala ang 10 koponan na maglalaban-laban para sa titulo sa opening ceremonies sa alas-2 ng hapon na susundan ng unang laro ng eliminations sa pagitan ng AMA Online Education at bagong saltang Province of Batangas sa ganap na alas-3.

Ibabandera ng AMA ang No. 1 pick sa 2016 D-League Rookie Draft  na si dating La Salle Green Archer Jeron Teng na makakasama nina Jay-R Taganas, Ryan Arambulo, UP playmaker Diego Dario, at UE forward Mark Olayon.

Inaasahan ni AMA head coach Mark Herre-ra na aangat ang lebel ng kanilang koponan nga-yong taon sa likod ng kanilang mas pinalakas na line-up.

“Every conference, we always make it to the quarterfinals. I hope this time, we’ll make it to the semis or hopefully in the championship,” paha-yag ni Herrera.

Sa panig naman ng Batangas, nais ni two-time D-League champion head coach Eric Gonzales na matulu-ngan ang kanyang mga manlalaro mula sa nasabing probinsya na mas maging mahusay at makapagbigay ng ma-gandang laban sa iba pang koponan.

“What we’re buil-ding here is the character and development of the Batangueños. I hope we can be decent and help these players to be at their best,” ayon kay Gonzales.

Si Gonzales ang humawak sa 2016 back-to-back champions na Phoenix-FEU Accele-rators.

Hindi lalahok ang Accelarators ngayong taon sa liga kaya’t garantisadong magkakaroon ng bagong kampeon sa D-League. (FMLumba)

vuukle comment

TENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with