^

PM Sports

Baby Falcons, NU Bullpups ayaw bumitaw sa liderato

HAYUP SA GALING - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mag-uunahan para sa solo first place ng juniors division ng UAAP Season 79 basketball tournament ang defending champions Nazareth School of National University at Adamson High School sa mga larong gaganapin sa San Juan Arena ngayong hapon.

Kakalabanin ng Adamson ang University of the Philippines Integrated School sa unang laro sa ika-9:00 ng umaga habang makakatapat naman ng NU ang runner-up ng Season 78 sa pangalawang bersyon ng kanilang Finals rematch ngayong season sa ika-3:00 ng hapon.

Susubukang bumawi ng Baby Falcons matapos malasap ang kanilang unang pagkatalo sa kamay ng Far Eastern University-Diliman sa iskor na 75-73 noong nakaraang Sabado sa pagbubukas ng second round ng eliminations.

Sa pangunguna ng kanilang kandidato sa MVP race na si Juan Gomez De Liaño, tatangkain ng Junior Maroons na silatin ang Baby Falcons, na pamumunuan naman nina Jason Celis at rookie Encho Serrano, na siyang nangunguna sa MVP race ngayong season.

Nais namang makaangat ng Junior Archers na kasalukuyang nasa ilalim ng standings upang makalapit sa mga nasa itaas na koponan.

Gusto namang ipagpatuloy ng Bullpups ang magandang itinatakbo ng kanilang koponan, sa pangunguna nina Rhayan Amsali, Karl Peñano at Paul Manalang.

Sa iba pang laro, makakasagupa ng Ateneo ang University of Sto. Tomas sa alas-11:00 ng umaga habang maghaharap naman ang FEU-Diliman at University of the East sa alauna ng hapon.

Puntirya ng Baby Tamaraws na mas patibayin ang kanilang hawak sa solo second place na siya ring nais gawin ng Blue Eaglets na nasa solo fourth. (FML)

BABY FALCONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with