^

PM Sports

ACCEl-PBA Press Corps Player of the Week

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maski ang natamong nasal fracture ay hindi nakapigil kay veteran playmaker Alex Cabagnot para matulungan ang nagdedepensang San Miguel.

Bagama’t pinayuhan ng mga duktor na sumailalim sa operasyon, naglaro pa rin si Cabagnot suot ang facial mask para tulungan ang Beermen sa 72-70 pagtakas laban sa Ginebra Gin Kings noong Linggo sa 2017 PBA Philippine Cup.

Ang ikaapat na sunod na ratsada ng San Miguel ang nagbigay sa kanila ng 7-1 record para patuloy na solohin ang liderato at mapalakas ang tsansa sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round.

Natulungan ng kaliweteng guard ang Beermen sa huling dalawang panalo sa kanyang mga averages na 15.0 points, 4.5  rebounds at 3.0 assists.

Dahil sa kanyang kabayanihan ay hinirang ang 34-anyos na si Cabagnot bilang unang Accel-PBA Press Corps Player of the Week awardee ng 2017.

Tinalo ni Cabagnot para sa weekly citation ang kanyang SMB teammates na sina Arwind Santos at June Mar Fajardo, Rain or Shine guard Jericho Cruz, NLEX guard Carlo Lastimosa at Globalport high-scoring gunner Terrence Romeo.

Sinabi ni Cabagnot na kung magpapaopera siya ay malamang na sa hindi siya makalaro sa kabuuan ng season-opening conference.

“But we’re in the middle of the season now and there are certain things you gotta do and you gotta take care of. Put the priorities at hand first,” sabi ng University of Hawaii-Hilo standout na nagtala ng 14 points at 9 rebounds sa 118-93 panalo ng Beermen laban sa Elite noong Biyernes.

Sa kanila namang panalo sa Ginebra ay naglista si Cabagnot ng 16 points sa third period para sa San Miguel.

 

vuukle comment

ACCEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with