^

PM Sports

Tolentino at Maddayag sasandigan ng Ateneo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa kabila ng hindi tiyak na hinaharap ng ka-nilang head coach na si Tai Bundit, nakakita ng magandang pagbabago ang Ateneo women’s volleyball team sa ka-nilang pagsasanay sa Thailand patungo sa UAAP Season 79 wo-men’s voleyball tournament na mag-uumpisa sa Pebrero.

Nakitaan ng improvement ng kanyang mga kakampi si Fil-Canadian Kat Tolentino sa kanilang training camp sa Thailand na galing sa tatlong pagkapunit ng kanyang ACL.

“Honestly, sobrang lakas niya pala,” ayon kay Lady Eagles’ spiker Jhoanna Maraguinot. “Powerful siya. Dina-daan niya rin sa laki niya kasi ang taas niya. Kapag tumalon pa siya sobrang ibabaw siya sa blockers. Parang kahit kami takot siya i-block.”

Bukod kay Tolenti-no, dahan-dahan ring nakakabawi ang kani-lang middle na si Maddie Maddayag mula sa natamong ACL injury na siyang pumutol sa kanyang unang taon no-ong Season 78.

“She’s getting there,” ani Maraguinot kay Maddayag. “Sa ngayon alalay pa rin siya sa pag running (attack) niya kasi dun siya na-ACL eh. Nakakasabay naman siya. She is not as fast as before pero okay naman.”

Magandang balita ito para sa tropa ng Lady Eagles na kakailanganin ang kumpletong line-up upang mas tumaas ang kanilang tsansa na maibalik sa kanilang koponan ang titulo ng UAAP women’s volleyball na kanilang nakuha ng dalawang magkasunod na taon sa pamumuno nina three-time UAAP MVP Alyssa Valdez, Amy Ahomiro, star setter Jia Morado at libero Denden Lazaro.

Kasalukuyan nilang tinitingnan sina Tolen-tino at Maddayag upang sila ay mas maging ma-lusog at makaiwas sa karagdagang injury.

“Ngayon gina-guide namin ‘yung mga injured kaya sobrang alalay pa rin. Papanoorin mo yung every move na gagawin nila para masabi mo sa kanila kung ano yung mali para hindi ulit sila ma-injure,” ani Maraguinot. FML

UAAP SEASON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with