^

PM Sports

Batnag, Anor nagpasiklab sa Batang Pinoy

FUNFARE - Francisco Cagape - Pang-masa

TAGUM CITY, Philippines – Humakot ng tig-tatlong gintong medalya sina Maenard Roman Batnag ng Baguio City at Christian Paul Anor ng Balanga, Davao Oriental sa swimming competition ng 2016 Batang Pinoy National Finals na ginanap sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex ng Barangay Mankilam dito.

Namayagpag ang 11 anyos na si Batnag sa boy’s 12-year and under 200-m backstroke sa oras na 2:31.26 at pagkaraan ng mahigit 30 minuto nasungkit nito ang ikalawang ginto sa boys 12-year and under  200-m butterfly sa 2:30.07. Ang ikatlong pa-nalo ng grade VI student ng Step Learning Academy ay mula sa 100-m backstroke sa oras na 1:08.88.

Ayaw din magpadaig ng 17-anyos na si Anor at pinangunahan nito ang boys 13 to17-year 200-m backstroke sa 2:20.50 at sinundan pa ng panalo sa 100-m freestyle sa oras na 55.77 segundo. Namayani rin ang Grade XI student ng Baculin National High School sa 100-m backstroke sa oras na 1:03.20.

Sinubukan ni Anor, beterano sa nakaraang  Palarong Pambansa, ang ikaapat na gintong medalya, ngunit pumapangalawa lang siya sa boys 13 to 17-year 200-m freestyle sa 2:04.55. Si Patrick Galvez ng Quezon City ang nanalo sa event sa kanyang 2:03.80.

Bukod kay Batnag at Anor, umani rin ng tig-dalawang ginto sina Adrien Matthieu Tao ng Davao City at Janelle Alisa Lin ng Balunan, Dagupan City sa medal-rich aquatic event na mayroong kabuuang 60 gintong medalya ang pinag-agawan.

Ang 11-anyos na si Tao ay naghari sa boys 12-year and under 100-m freestyle (1:01.98) at 200-m freestyle (2:19.84).                        

2016 BATANG PINOY

CHRISTIAN PAUL ANOR

MAENARD ROMAN BATNAG NG BAGUIO CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with