Si Peping pa rin
MANILA, Philippines - Patyuloy na mamumuno si Jose “Peping” Cojuangco Jr. sa Philippine Olympic Committe (POC) sa kanyang ikaapat na termino matapos manalo na walang kalaban.
Nabigong makakuha ng Temporary Res-training Order (TRO) ang kampo ng nadiskwalipikang si Ricky Vargas ng Association of Boxing Alliances in the Philippines kaya’t walang naging kalaban si Cojuangco sa POC elections na ginanap kahapon sa Wack-Wack Golf & Country Club sa Mandaluyong City.
Nakalikom si Cojuangco ng 26 boto.
Nanalo rin si Joey Romasanta ng volleyball bilang first vice-president matapos umani ng 23 boto laban kay Alfredo Benitez ng badminton na may 14 boto gayundin si Antonio Tamayo Jr. ng soft tennis bilang second vice-president na naglista ng 26 boto kumpara sa 11 boto lamang ng kaniyang karibal na si Lucas Managuelod ng muay thai association.
Wagi rin si Julian Camacho ng wushu sa pagka-treasurer laban kay Renauld Barrios ng basketball, 25-12.
Ang iba pang nagwagi ay sina Jonne Go ng canoe-kayak/dragon boat bilang auditor (31 votes) at board members Jesus Clint Aranas ng archery (30), Cynthia Carrion ng gymnastics (30), Roberto Mananquil ng billiards and snooker (28) at Prospero Pichay Jr. ng chess (27).
Nauna nang dumulog si Vargas sa korte upang humungi ng TRO subalit ibinasura ito ng Pasig Regional Trial Court noong Huwebes.
Magugunitang dinis-kwalipika si Vargas ng POC elections committee dahil sa umano’y pagi-ging inactive member nito ng POC kung saan kulang umano ang kanyang attendance sa pagdalo sa POC general assemblies. Ito ang naging ugat upang magtungo ang kampo ni Vargas sa korte.
Isa sa plataporma ni Cojuangco ang pagtatayo ng training facilities para sa mga atleta subalit umani ito ng kaliwa’t kanang batikos dahil hindi pa ito naisasakatuparan ng POC chief sa loob ng kaniyang tatlong terminong panunungkulan.
- Latest