Azkals obligadong manalo
MANILA, Philippines – Matapos maka-draw sa Indonesia, 2-2 kamakalawa, kailangang ipanalo ng Philippine Azkals ang laro kontra sa nagdedepensang Thailand upang makahirit ng puwesto sa semifinals ng 2016 AFF Suzuki Cup na gaganapin sa Philippine Sports Stadium sa Bocaue, Bulacan.
Nasa ikalawang puwesto ang Azkals sa Group A tangan ang dalawang puntos na nakuha sa dalawang draw laban sa Singapore at Indonesia. Ang Singapore at Indonesia ay magkasalo sa ikatlong puwesto hawak ang parehong isang talo at isang draw na baraha.
Nangunguna ang Thailand na may anim na puntos para pormal na masikwat ang unang silya sa semis dahilan upang mauwi ang bakbakan sa pagitan ng Singapore, Indonesia at Pilipinas para sa huling tiket sa Final Four.
Alam ni Azkals coach Tom Dooley na ma-tinding laban ang kanilang haharapin kontra sa Thailand ngunit nananatili itong optimistiko dahil mataas pa rin ang moral ng kanyang bataan.
Nahawakan ng Indonesia ang 1-0 kalamangan mula sa pinagsanib na puwersa nina Stefano Lilipaly at Fachruddin Aryanto sa ikapitong minuto su-balit naitabla ng Azkals ang laban sa ika-31 minuto mula sa impresibong goal ni Misagh Bahadoran.
Muling nakuha ng Indonesia ang 2-1 bentahe makaraang pakawalan ni Boas Salossa ang isang goal sa ika-68 minuto. Hindi bumitiw ang Azkals makaraang maisalpak ni team captain Phil Young-husband ang equalizer sa ika-82 minuto para maipuwersa ang draw.
Nanawagan naman si Fil-German Stephan Schrock sa mga tagahanga ng Azkals na suporta-han ang koponan sa kanilang laban kontra sa Thailand bukas alas-8 ng gabi.
- Latest