Lady Archers nakalapit sa No. 2 spot
MANILA, Philippines – Umiskor ng 22 puntos si Khate Castillo, habang nag-ambag ng double-double na 13 puntos at 10 rebounds si Snow Peñaranda para pangunahan ang De La Salle sa 65-48 paggapi sa University of the Phi-lippines at makalapit sa target na No. 2 seed sa playoffs kahapon sa UAAP Season 79 wo-men’s basketball tourna-ment sa Mall of Asia Arena.
Sa isa pang laro, nakakuha naman ang University of the East ng 19 puntos kay Ruthlaine Tacula nang padapain nila ang Adamson University, 66-55, para buhayin ang tsansa para sa ‘twice-to-beat’ incentive sa semifinals.
Tumaas ang second-running na Lady Archers sa 10-3 at isang laro ang kalamangan sa Lady Warriors na may 9-4 marka sa ikatlong puwesto.
Para makahirit ng playoff sa No. 2 spot ay kailangan ng Lady Warriors na igupo ang University of Santo Tomas Tigresses at umasang matatalo naman ang Lady Archers sa Lady Eagles.
Nalaglag ang Adamson University sa sa 5-8 kartada sa ikalimang puwesto kasunod ng UST (6-7).
Posibleng magkaro-on ng playoff para sa No. 4 slot kung mana-nalo ang Lady Falcons laban sa Far Eastern University at matatalo ang Tigresses sa Lady Warriors.
Nahulog naman ang UP sa ika-11 nilang pagkatalo sa 13 laro. FMLumba
- Latest