PBA Season 41 naging produktibo - Non
SEOUL, Korea – Pinuri ni PBA board chairman Robert Non ang nakaraang PBA Season 41 bilang mala-king tagumpay pati na ang pagbalangkas sa national team program kasama ang Samahang Basketbol ng Pilipinas.
Kumolekta ang liga ng higit sa P200 mil-yon sa gate receipts sa katatapos na season.
“To me that’s a big achievement and that’s the biggest breakthrough the league made in the season,” wika ni Non bago pormal na ipasa ang league chairmanship kay Mikee Romero, ang Globalport team owner at 1Pacman party list representative sa Congress.
“At least now, the program is there. We have no-thing more to discuss and debate on. The pool of players is there always available to the national team for an international competition,” dagdag pa ni Non.
Nagkasundo ang PBA at ang SBP sa pagbubuo ng 25-man Gilas pool na paghuhugutan ni coach Chot Reyes ng mga players para sa paglahok sa mga international tournaments para makakuha ng tiket sa FIBA World Cup sa 2019 at sa Olympics sa Tokyo sa 2020.
Ang inisyal na Gilas pool ay binubuo nina Mac Belo, Kevin Ferrer, Jio Jalalon, Mike Tolomia, Russel Escoto, Roger Pogoy, Arnold Van Opstal, Ed Daquioag, Von Pessumal, Matthew Wright, Alfonso Gotladera, Carl Bryan Cruz at Almond Vosotros.
Sa kasunduan ay magpapahiram ang 12 PBA teams ng tig-isang player na pipiliin ni Reyes para palakasin ang Gilas.
Ang SEABA Championship, ang zonal qualifier para sa 2017 FIBA Asia Championship, ang unang torneong lalahukan ng Gilas sa Abril.
“We’re taking into consideration the SEABA tourney in making our schedule of games for the coming season,” wika ni PBA Commissioner Chito Narvasa.
Sinabi pa ng mga league officials na nakamit nila ang target ukol sa gate receipts.
“We failed to match the total sale in the previous year, but we’re close there, and that’s despite the postponement of the season opener due to a typhoon,” sabi ni Nar-vasa. (NBeltran)
- Latest