^

PM Sports

Allen tuluyan nang nagretiro matapos ang 18 seasons

Pang-masa

MIAMI — Nanalo si Ray Allen ng NBA championships sa Boston at Miami, nagsalpak ng isang tirang hindi makakalimutan sa NBA Finals history at kuma-mada ng pinakamara-ming three-pointers sa sinumang naglaro sa liga.

Higit sa dalawang taon matapos ang kanyang huling laro ay nagdesisyon si Allen na tuluyan nang isabit ang kanyang mga sapatos.

Inihayag ni Allen ang kanyang pagreretiro sa isang post sa The Pla-yers’ Tribune website.

Naglaro si Allen ng 18 seasons sa NBA para sa Milwaukee Bucks, Seattle Supersonics, Celtics at Heat at nagta-la ng average na 18.9 points sa 1,300 regular-season games at isang 10-time All-Star.

“I write this to you today as a 41-year-old man who is retiring from the game,” wika ni Allen sa kanyang post. “I write to you as a man who is completely at peace with himself.”

Tinawag naman ni NBA Commissioner Adam Silver si Allen na “an extraordinary pla-yer.”

“On behalf of the NBA family, I want to thank him for being a wonderful ambassador for the game,” sabi ni Silver.

Nag-isip si Allen na bumalik sa paglalaro at nagkaroon ng ilang alok mula sa mga title-contending teams.

“Basketball will take you far away from that school yard,” wika ni Allen.

RAY ALLEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with