^

PM Sports

Umpukan nina Jawo, Dalupan at Floro

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Isang magandang alaala ang nai-share ni Bones Floro sa kanyang speech sa katatapos na 2016 PBA Press Corps Annual Awards.

Isa siya sa mga regular guests sa nasabing award, nagbibigay ng panahon upang makasama sa pagpi-present ng Danny Floro Trophy sa Exe-cutive of the Year awardee. Si Bones ay butihing apo ni Mang Danny, ang dating legendary team owner ng Crispa Redmanizers.

Nanariwa sa alaala ng marami ang Crispa-Toyo-ta rivalry sa gabi ng parangal dahil naroon din ang pamilya ni coach Baby Dalupan upang tunghayan ang pagpupugay ng PBA Press Corps sa namaalam na rin na legendary coach.

Naalala ang pagkakaibigan at pagkukumpare nina Danny Floro at Baby Dalupan. Siyempre naalala rin ang passion sa Crispa-Toyota rivalry.

“Ganon kami noon sa La Salle Greenhills. Dahil sa passion sa Crispa-Toyota rivalry, suntukan nang suntukan sa field,” ani Bones.

Isang araw mayroon siyang ikinagulat pag-uwi ng bahay.

“Nandun ang lolo at nandun ang kumpare niyang si coach Baby. Laking gulat  ko na makita kong nandoon din si Robert Jaworski,” ani Bones sa pagkukuwento sa lahat na sobrang passionate sina Floro, Dalupan at Jaworski sa labanan sa basketball court ngunit magkakaibigan din pala sa labas nito.

Sa taong ito, ang Rain or Shine team co-owners na sina Raymond Yu at Terry Que ang tinanghal na Executives of the Year.

Ang taon na ito ang climax ng tatlong taon na mainit na ratsada ng Rain or Shine – ang kaisa-isang koponan na hindi nawala sa Top Four sa siyam na sunod na PBA conferences. Sa ikasiyam na tournament ay dumiretso na ang ROS upang sungkitin ang ikalawang championship sa PBA.

Patuloy na magiting na nakipagbakbakan ang Rain or Shine sa harap ng laki at tibay ng resources ng dalawang major blocs sa liga – San Miguel Corp. at MVP Group.

Tinalo naman ni Leo Austria sina Yeng Guiao, Tim Cone at Norman Black para sa Coach of the Year award upang iuwi sa ikalawang sunod ang Baby Dalupan Trophy.

Hatid ng Cignal TV ang magandang presentation ng 2016 PBAPC Awards. Sa mga susunod na araw, mapapanood ang awards proceedings sa Rush channel ng Cignal TV.

vuukle comment

DALUPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with