^

PM Sports

FIVB Women’s Club World Championship: Eczacibasi VitrA Istanbul sigurado na sa semis

Pang-masa

LARO NGAYON (Mall of Asia Arena)

4:30 pm – Bangkok Glass vs VakifBank Istanbul

7:00 pm – PSL-F2 Logistics vs Eczacibasi VitrA Istanbul

 

MANILA, Philippines - Gumawa ang reigning champion Eczacibasi VitrA Istanbul ng clutch plays sa huling bahagi ng laro upang itakas ang  25-27, 25-19, 22-25, 25-18, 15-11 panalo sa Rexona-Sesc Rio squad sa FIVB Women’s Club World Championship na handog ng PLDT kahapon sa Mall of Asia Arena.

Nagpasikat si Rio Olympics silver medalist Tijana Boskovic ng Serbia ngunit team effort ang nagpanalo sa Istanbul squad na nagtulak sa kanila sa  semifinals.

Nauna rito, pinadapa ng Hisamitsu Springs Kobe ang Bangkok Glass sa Pool B, 25-14, 25-18, 25-20 para sa kanilang unang panalo na nagbigay sa kanila ng pag-asang makausad sa susunod na round.

Nagtala si Skipper Yumi Nagaoka ng 18 kills para sa kabuuang 20 points habang may 13 naman si Yuki Ishii kabilang ang match-clinching attack.

Marami ang napatutok sa laban ng Eczacibasi at Rexona-Sesc Rio na muling dumaan sa five-set game matapos matalo sa Pomi Casalmaggiore noong Miyerkules ng gabi.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyan pang naglalaro ang PSL-F2 Logistics Manila team kontra sa Pomi Casalmaggiore ng Italy sa ikaapat at huling laro kagabi.

Tangkang makabawi ng PSL selection team sa kanilang pagkatalo kontra sa Rexona-Sesc Rio, 25-15, 25-13 at 25-20.

FIVB WOMEN’S CLUB WORLD CHAMPIONSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with