Sonny Ty International Gymnastics Cup
MANILA, Philippines - Tinanghal na all around team champion para sa level 2 ang Philippine Gymnastics and Athletics Academy (PGAA) sa 1st Sonny Ty International Gymnastics Cup na ginanap sa Muntinlupa Sports Complex nitong weekend.
Tinalo ng PGAA ang Poveda Gymnastics Club and Club Gymnastica Pasig na runner-up at third placer, ayon sa pagkakasunod ng two day competition na nilahukan ng Thailand, Singapore, Indonesia, Ukraine, Sri Lanka at Philippines para ipakita ang kanilang husay sa floor exercise, uneven bars, vault at balance beam.
Ang kompetisyon ay pinangasiwaan ni Coach Normita Ty ng PGAA sa tulong ng Municipality of Muntinlupa.
- Latest