Carter-Williams ipapalit kay Snell?
MANILA, Philippines - Kasalukuyang nag-uusap ang Chicago Bulls at Milwaukee Bucks bago pa man magsimula ang season, ayon sa ulat ni Marc Stein at Zach Lowe ng ESPN.
Ikinokonsidera diumano ng Bucks na ibigay ang dating Rookie of the Year na si Michael Carter-Williams sa Chicago kapalit ni wingman Tony Snell.
Nag-tweet din si Stein ukol sa balitang ito ng “ BREAKING: League sources tell@ZachLowe_NBA and me that Bucks and Bulls are in deep talks on a Michael Carter-Williams-for-Tony Snell trade.”
Marami ang nagtataka ukol sa balitang ito dahil ang Bulls na may problema sa shooting ay kukuha pa ng isa pang ball-handler na mahinang umiskor sa malayo.
Nasa Chicago na sina Rajon Rondo at Dwyane Wade para pangunahan ang kanilang backcourt kasama si Jimmy Butler.
Para sa Milwaukee, madadagdag ang patpating si Snell sa kanilang wing at madidispatsa na rin nila si Carter-Williams.
Mapupunan na rin niya ang kakulangan sa shooter at defender dahil sa inaasahang pagkawala ng injured na si Khris Middleton ng tinatayang 70-games.
Hindi naging maganda ang performance ni Snell, isang league-average three point shooter sa kanyang mga unang season sa Chicago.
- Latest