^

PM Sports

Smith walang kawala sa Cleveland

Pang-masa
Smith walang kawala sa Cleveland
JR Smith

MANILA, Philippines - Hindi na kaduda-dudang mananatili si  J.R. Smith sa Cleveland Cavaliers para sa 2016-17 season ngunit matagal bago nakapirma ang unrestricted free agent ng kontrata kung hindi pa nagkaroon ng issue sa NBA defending champions.

Sigurado nang magsusuot si Smith ng Cavs uniform na tatanggap ng title ring sa Quicken Loans Arena sa October 25.

Nagkasundo sina Smith at ang Cavaliers  sa four-year, $57-million deal para manatili sa Cleveland. Si Marc Stein ng ESPN ang unang nag-ulat nito sa Twitter pati na ang deal  na nagkakahalaga ng $45 million para sa tatlong taon. Nilinaw ni   Jon Krawcynski ng Associated Press na ang $57 million figure ay makukuha ni Smith kung lalaro siya para sa Cavs ng apat na seasons.

Bagama’t sigurado namang babalik si Smith sa Cleveland, inabot pa ng hanggang sa mga unang linggo ng free agency ang negosasyon noong July dahil hindi sila magkasundo.

Ayon kay Stein, naayos lang ang deal noong Biyernes dahil may isang prangkisa ang pumuwersa kay Smith na pumirma.

Tweet ni Stein, “ESPN sources say a hard push from Sixers GM Bryan Colangelo for J.R. Smith helped sparked Friday’s talks with the Cavs to get a deal done.”

SMITH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with