^

PM Sports

Medina may pabuya mula sa AirAsia

Rusell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi lamang si 2016 Rio Olympic Games silver medalist Hidilyn Diaz ang nakakatanggap ng suwerte.

Sa isang gala event sa Malaysia noong Martes ay pinarangalan si 2016 Paralympic Games table tennis player Josephine Medina ng AirAsia.

Dahil sa kanyang pag-angkin sa bronze medal sa table tennis women’s singles Class 8 sa 2016 Paralympics sa Rio de Janeiro, Brazil ay tatlong taon na walang babayaran sa kanyang pamasahe sa AirAsia si Medina.

“Once again, Asean athletes have made the region proud by showing we can be a serious contender on the world stage,” wika ni AirAsia Group CEO Tony Fernandes sa isang statement. “It is my great pleasure to present these fine sportsmen and sportswomen with free flights in recognition of their ama-zing achievements.”

Ang low-cost carrier ay nagbigay ng free flights sa mga Asean Paralympic medalists.

Ang mga gold medal winners ay tatanggap ng lifetime free flights, habang ang mga silver medalists ay makakalibre ng limang taon at ang mga bronze medalists ay tatlong taon na walang babayarang pamasahe.

Ang mga pumitas ng medalya ay binigyan ng special AirAsia BIG card na gold, silver at bronze na magbibigay ng karapatan sa kanilang sumakay ng eroplano sa higit sa 120 destinasyon sa hanay ng mga network ng AirAsia at AirAsia X sa Asia, Australia, Middle East at Africa.

Sa bagong Cash Incentives Act o Republic Act 10699 ay nabigyan si Medina ng P1 milyon mula sa kanyang pag-angkin sa tansong medalya sa table tennis women’s singles Class 8 sa 2016 Paralympic Games sa Rio de Janeiro.

Tinalo ng 46-anyos na si Medina si German Julianne Wolf via straight sets, 11-5, 11-6, 11-7 para angkinin ang bronze medal.

Ibinigay ni Medina ang unang medalya ng Pilipinas sa table tennis sa quadrennial games at tinapos ang 16 taon na pagkauhaw ng bansa sa medalya.

Si powerlifter Adeline Ancheta ang nag-alay ng bronze medal sa bansa noong 2000 Paralympics sa Sydney, Australia.

Sa 2016 Rio Olympics ay binuhat ng 25-anyos na si Diaz ang silver medal sa women’s weightlifting event para tapusin ang 20 taon na paghahanap ng bansa sa Olympic medal makaraan ang silver ni boxer Mansueto ‘Onyok’ Velasco, Jr. noong 1996 sa Atlanta, Georgia.                             

RIO OLYMPICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with