^

PM Sports

RC Cola-Army tangka ang ika-4 titulo sa PSL

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pupuntiryahin ng three-time champion RC Cola-Army ang kanilang pang-apat na kampeonato sa paghataw ng All-Filipino Conference ng Philippine Superliga (PSL) sa Sabado sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Kumpara sa ibang koponan, walang binago ang Lady Troopers sa kanilang line-up para sa nasabing top-level women’s inter-club volleyball tournament na isasaere sa TV5 at Aksyon TV.

Muling ipaparada ng RC Cola-Army sina ve-terans Rachel Anne Daquis, Honey Royse Tubino, Jovelyn Gonzaga, Nerissa Bautista, Michelle Ca-rolino at Tina Salak.

Nagreyna ang Lady Troopers sa nakaraang PSL Invitational Conference laban sa Est Cola club, kinabibilangan ng mga miyembro ng National Team B ng Thailand.

Matapos ang ilang linggo ay giniba naman nina Gonzaga at Bautista ng RC Cola-Army A sina Cherry Rondina at Patty Jane Orendain ng Foton para angkinin ang korona ng PSL Challenge Cup beach volleyball tournament.

Makakasukatan ng RC Cola-Army ang F2 Logistics, Petron, Cignal, Foton, Generika, Standard Insu- rance-Navy at Amy’s Kitchen-Perpetual.

Ang Cargo Movers ang inaasahang magpapahirap sa kanilang mga makakaharap sa pagpaparada sa La Salle team na tumalo sa Ateneo sa nakaraang UAAP finals.

Hinugot ng F2 Logistics sa PSL Draft si Ara Galang bilang top overall pick at pinanatili sina Aby Maraño, Cha Cruz, Paneng Mercado at Danika Gendrauli.

“F2 Logistics may be young but its already overflowing with experience,” sabi ni Generika coach Francis Vicente. “The core of La Salle will be a serious threat not only because they won the UAAP crown over Ateneo, but because they already gained significant experience in the (PSL) Grand Prix as members of Meralco last year.”

 

PUERTO PRINCESA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with