^

PM Sports

Phoenix diretso sa ika-3 panalo

Mike Schneider - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maagang kumawala ang Phoenix bago pini-gilan ang ilang tangkang paghahabol ng AMA Online Education tu-ngo sa 97-89 panalo na nagbigay sa kanila ng solo liderato sa PBA D-League Foundation Cup na nagpatuloy sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City kahapon.

Nagtala si Mike Tolomia ng 27 points na sinuportahan nina Ed Daquioag at Alfrancis Tamsi ng 18 at 16 points, ayon sa pagkakasunod para sa  Accelerators na di alin-tana ang pagkawala ng mga injured starters na sina Mac Belo at Roger Pogoy tungo sa kanilang ikatlong sunod na panalo.

Sa pagkawala nina Belo at Pogoy, maagang kumilos si Tolomia at kumamada ng 14 puntos sa first period tungo sa 26-13 bentahe ng Phoenix  na kanilang pinalaki sa 23 puntos, 70-47 sa third.

Nakalapit ang AMA sa fourth sa 89-95 sa charities ni Gene Belleza, may 53.3 segundo pa.

Ngunit sinagot ito ni Alfred Batino ng dalawang free throws para siguruhin ang panalo ng Accelerators na umiwan sa dating kasosyong Café France Bakers na nalaglag sa ikalawang puwesto.

Tumapos si Ryan Arambulo ng 18 points  para sa AMA na lumasap ng kanilang ikatlong sunod na talo.

Nagtala rin sina Jaycee Asuncion at Rey Publico ng tig-17 markers  habang si Jay-R Taganas  ay may 14-points at 21 rebounds para sa kanyang engrandeng pagbabalik sa liga.

GUN SHOOTING

MASS SHOOTING

MAYOR BUDDY DYER

SWAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with