Kailangan ng ‘master plan’ sa Phl sports-- Romasanta
MANILA, Philippines – Sa pagpapalit ng administrasyon ay sinabi ni POC first vice president at Rio Olympics chef de mission Joey Romasanta na ito na ang tamang panahon para magtakda ng isang master plan para sa sports development na ang pangunahing adhikain ay ang pamamahala sa 2019 Southeast Asian Games at pagpapadala ng mas maraming atleta sa 2020 Tokyo Games.
“It’s easy to put up a structure,” sabi ni Roma-santa. “The real challenge is making a relevant national training center self-sustaining. How long will it last? The worst thing that can happen is to build a white elephant.”
Dumalo si Romasanta kamakailan sa inaugural congress ng bagong tatag na Association of Sports Institutes in Asia (ASIA) sa Tokyo noong March.
Kumpara sa Pilipinas, may sports institute na ang mga bansang Qatar, Singapore, Japan, Hong Kong at Thailand na may mga national training centers na pinamamahalaan ng mga professionals na may post-graduate degrees.
“Now that there’s ASIA, we can look into how other sports institutes are being run. Qatar has the ASPIRE Academy. Japan has its Ajinomoto National Training Center which is in the heart of Tokyo so you don’t really need a sprawling property. Right now, we don’t even have a national stadium which we’ll need when we host the 2019 SEA Games. Our Rizal oval is antiquated and I don’t think that will serve our purpose in 2019,” ani Romasanta.
Para sa Rio Olympics, sinabi ni Romasanta na nakakuha na ng mas maraming tiket ang mga kapitbahay ng Pilipinas sa Southeast Asia.
Ang Singapore ay magpapadala ng 22 athletes sa Rio Olympics sa athletics, table tennis, swimming, shooting, sailing, rowing at badminton, habang ang Thailand ay may 40 na ilalahok sa badminton (7), boxing (4), cycling, judo, rowing, sailing, shooting, table tennis, taekwondo at weightlifting (9) at may 19 naman ang Indonesia na sasali sa limang events.
Inaasahan pang makakakuha ng Olympic berth ang mga Thai athletes sa swimming, athletics at boxing.
Hirap pa rin ang Pilipinas na makapaglahok ng mas maraming atleta sa Olympics at umaasa na lamang sa universality clause at sa Tripartite Commission Invitation.
Naabot ni marathoner Mary Joy Tabal ang Olympic standard sa pagtakbo sa event sa Canada ngunit umalis siya sa national team noong nakaraang taon.
- Latest