Gilas cadet program bubuhayin ng SBP PBA Rookie draft apektado
MANILA, Philippines – Direktang tatamaan ang 2016 PBA Rookie Draft dahil sa pagsasabuhay ng Gilas Pilipinas cadet program.
Ngunit sinabi ni incoming Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio na mabibiyayaan pa rin ang pro league sa kabuuan.
“It’s a common problem across the globe brought about by the new FIBA calendar. We thought at the SBP that the best way to solve the problem is to create a cadet team focused entirely to train and participate in the international tourneys,” sabi ni Panlilio.
Dati nang pinapalagan ng PBA board ang tinatawag nilang “pick-up system” mula sa PBA ranks.
“We have no real choice,” dagdag pa nito ukol sa bagong FIBA setup na ang home-and-away games ay makakaapekto sa iskedyul ng local pro league.
Sinabi na din nina da-ting PBA commissioner Chito Salud at kasaluku-yang PBA board chairman Robert Non na maaaring isakripisyo ng liga ang PBA draft para makabuo ang SBP ng training pool sa hanay ng mga amateurs.
Paglaon, ang nasabing mga players ay maglalaro din naman sa PBA.
“The PBA will bene- fit as the league will get quality players in the end. This was the case with the original Gilas team,” sabi ni Panlilio.
Sina Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Rabeh Al-Hussaini, JVee Casio, Mark Barroca, Marcio Lassiter, Chris Lutz, Chris Tiu at Mac Baracael ay mga dating blue-chip prospects bago sumalang sa PBA draft.
Ang mga planong isama sa bagong cadet pool ay sina Kiefer Ravena, Mac Belo, Kevin Ferrer, Roger Pogoy, Cris Mike Tolomia, Jiovani Jalalon at Von Pessumal.
Naniniwala ang Meralco senior vice president na kumakatawan sa kumpanya sa PBA board na makakakuha sila ng suporta sa pro league.
“I’m in talks with (PBA commissioner) Chito (Narvasa). I will sit down with him to share with him the SBP plan,” wika ni Panlilio.
- Latest