Clarkson umaasa pa ring makakasama sa susunod na Gilas Pilipinas team
MANILA, Philippines – Bagama’t hindi na makakasama sa kampanya ng Gilas Pilipinas para sa 2016 Olympic Qualifying Tournament ay umaasa pa rin si Los Angeles Lakers guard Jordan Clarkson na makakapaglaro siya para sa Nationals.
Pinilit ng Samahang Basketbol ng Pilpinas na mahiram si Clarkson sa Lakers ngunit hindi ito madaling gawin.
“I want to be a part of Gilas and hopefully soon, I’ll be able to play with the national team,” wika ni Clarkson.
Dumating si Clarkson sa Manila mula sa Los Angeles via Tokyo noong Biyernes ng gabi kasama ang kanyang kapatid na si Julian at Adrian Stelly ng Nike Global Sports Marketing.
“I came out here to try to inspire the (National) team, the city, the country the best way I can,” sabi ni Clarkson, nakatakdang umalis ngayong umaga para sa 2 1/2 day tour sa Beijing bago bumalik sa Los Angeles.
Tinapos ni Clarkson ang kanyang $1.35 Million two-year contract para sa Lakers at magiging isang restricted free agent sa July 1.
Kung makakatanggap si Clarkson ng offer sheet mula sa isang koponan ay kailangan itong tapatan ng Lakers.
- Latest