Green pinagmulta pero ‘di sinuspindi
NEW YORK – Pinagmulta si Golden State Warriors forward Draymond Green ng $25,000 ngunit nakaligtas sa suspensyon ng NBA sa pagsipa sa maselang bahagi ng katawan ni Oklahoma City center Steven Adams sa Game 3.
Itinaas din ng NBA ang foul ni Reen sa flagrant 2 na dapat sana ay nagresulta sa isang automatic ejection kung maaga itong nadesisyunan ng mga opisyales.
Maglalaro si Green sa Game 4 sa paghahangad ng Warriors na maitabla sa 2-2 ang kanilang Western Conference finals series ng Oklahoma City Thunder.
Tinawagan si Green ng flagrant 1 foul nang sipain si Adams matapos siyang bigyan ng foul sa 5:57 minuto sa second quarter.
Bagama’t sinabi ng Thunder na ito ay sinadya ni Green, umasa naman si Green at si Warriors coach Steve Kerr na babawiin ng mga referees ang itinawag na flagrant foul 1.
“After a thorough investigation that included review of all available video angles and interviews with the players involved and the officials working the game, we have determined that Green’s foul was unnecessary and excessive and warranted the upgrade and fine,” wika ni NBA Executive Vice President of Basketball Operations Kiki VanDeWeghe sa isang statement.
“During a game, players - at times - flail their legs in an attempt to draw a foul, but Green’s actions in this case warranted an additional penalty.”
Si Green ay mayroon ngayong tatlong flagrant foul points sa postseason at ang isa pang flagrant foul ay nangangahulugan ng awtomatikong suspensyon niya.
Si Green ay lumaro na sa All-Star at runner-up sa Defensive Player of the Year pero nakakadismaya ang kanyang performance kontra sa Oklahoma City na hawak na ngayon ang 2-1 kalamangan sa kanilang conference finals series.
Nagtala lamang siya ng 1-for-9 mula sa field at tumapos ng six points at na- outscore ang Warriors ng 43 points kahit nasa loob siya ng court.
- Latest