^

PM Sports

Romero aasikasuhin ang mga atleta at coaches

Pang-masa

MANILA, Philippines - Plano ni Representative Mikee Romero (1Pacman Partylist) na mag-ikot para makausap ang mga atleta at coaches upang malaman kung nakukuha nila ang tamang benepisyo na dapat nilang makuha base sa Republic Act. 10699.

“I just want to make sure that they are getting what are due to them because I heard that some of the benefits have yet to be implemented fully,” sabi ni Romero  bago manumpa bilang bagong mukha sa House of Representatives kahapon.

Sinabi ni Romero na dapat itrato ng tama ang mga national athletes at coaches  dahil pawis at dugo ang kanilang ipinupuhunan para makapagbigay ng karangalan sa bansa.

 “They put the country in the sporting map because of the sacrifices they made so it’s just natural that we treat them very well,” sabi ni Romero. “Our athletes are our national treasures.”

Ang R.A. 10699 ay batas ukol sa incentives na ibinibigay sa mga national athletes at coaches bukod pa sa appropriating funds.

Bagama’t alam ni Romero  na natanggap na ng mga atleta ang kanilang mga insentibo sa pagkapanalo sa SEA Games at Asian Games  at iba pa, may mga natanggap siyang ulat na hindi lubos na naipapatupad ang naturang batas tulad ng housing loans.

Sa ilalim ng RA 10699 ang atleta  ay prayoridad sa national housing programs, “pabahay” loans at iba pang housing opportunities base sa guidelines at qualifications ng National Housing Authority (NHA) or the Home Development Mutual Fund (HDMF).

Ang mga atleta ay dapat ding may 20 percent discount  sa transportation services, hotels  at iba pang lodging establishments, restaurants at recreation centers, gamot at sports equipment at admission fees sa iba’t ibang establisimiyento.

ANCESTRAL HOUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with