^

PM Sports

May ibubuga pa rin si Kobe Bryant

Pang-masa

NEW ORLEANS  -- Nanatiling nakataas ang kanang braso ni Kobe Bryant at nakabitin ang kanyang palad para sa follow trhough matapos tumira ng tres na pumasok at nagbigay sa Lakers ng anim  na puntos na kalamangan at iwi­nagayway niya ang kanyang kamay na nakaturo habang tumatakbo papunta sa ka­bilang court kasabay ng hiyawan ng maliit na grupo sa crowd.

Sa pagbabalik ng kanyang dating porma na nakuha niya nitong linggo, mu-ling nagbida si Bryant para sa tagumpay ng Lakers sa kanyang 27 points at 12 rebounds kabilang ang pivotal na 3-pointers sa huling 6:05 minuto ng labanan tungo sa 99-96 panalo ng Los Angeles kontra sa New Orleans Pelicans nitong Huwebes na kanilang ikalawang sunod  na panalo.

“It was really special to be able to play in front of this crowd,’’ sabi ni Bryant nang tanungin kung ano ang kanyang naramdaman nang pumasok ang kanyang mga krusyal na baskets.’’It makes me feel great. It makes me feel like all the hard work I put in through the years has been worth it.’’

Kuwento ni Bryant, may planong magretiro pagkatapos ng season na ito na may nakilala siyang bata sa sidelines na may pangalan ding Kobe na natuwa sa kanyang ipinamalas na performance sa kanyang farewell tour.

Ang nagmintis na free throw ni Bryant sa huling 6-segundo ng laro ang nagbigay sa Pelicans ng tsansang itabla ang laro ngunit nagmintis ang tres ni Jrue Holiday kasabay ng pagtunog ng buzzer.

May mga kulay purple at gold  mula sa mangilan-ngilang Lakers fans na gustong magbigay pugay kay Bryant na lumalaro ng kanyang final season at todo ang sigawan kapag pumapasok ito sa court at lalo na kung nakaka-shoot ito.

May pagkakataong su­migaw ang mga tao ng “M-V-P”  kapag tumpak ito s foul line.

Tumapos si Anthony Davis ng 39 points at 11 rebounds para sa Pe­licans ngunit mintis ang kanyang breakaway dunk sa fourth quarter  ka­ya hinila niya ang kanyang jersey para takpan ang kanyang mukha dahil nahiya ito.

Sa Dallas, umiskor ng tres si Deron Williams kasabay ng pagtu­nog ng buzzer sa ikala­wang overtime  tungo sa 117-116 panalo ng Dallas Mavericks kontra sa Sacramento  nitong Mar­tes ng gabi para sa kanilang ika-22 sunod na panalo sa kanilang balwarte laban sa Kings.

ACIRC

ANG

ANTHONY DAVIS

BRYANT

DALLAS MAVERICKS

DERON WILLIAMS

JRUE HOLIDAY

KANYANG

KOBE BRYANT

NBSP

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with