^

PM Sports

UP, DLSU volleybelles unahan sa 2-0

Pang-masa

MANILA, Philippines – Mag-uunahan ang University of the Philippines at De La Salle University para sa ikalawang sunod na panalo at sa liderato ng UAAP Season 78 women’s volleyball tournament sa Philsports Arena sa Pasig City.

Maghaharap ang Lady Maroons at Lady Spikers sa alas-2 ng hapon kasunod ang sagupaan ng Adamson University  Lady Falcons at National University Lady Bulldogs sa alas-4 ng hapon.

Magkakasama sa four-way tie ang UP, La Salle, Adamson at defending champion Ateneo de Manila University sa magkakatulad nilang 1-0 record.

Tinalo ng UP ang University of the East, 25-20, 25-13, 25-21 sa kanilang unang laro.

Sina Nicole Tiamzon, Kathy Bersola at Marian Buit­re ang pangunahing pinagkukunan ng puwersa ng La­dy Maroons kasama ang mga rookies na sina Isa Molde, Justine Dorog at Diana Carlos.

Masusubukan ang tunay na kakayahan ng Lady Maroons sa pagharap laban sa Lady Spikers na isa sa mga pinakasolidong lineup sa taong ito.

“Against La Salle, hindi puwede kaming maraming service errors and we have to execute well,” wika ni La­dy Maroons head coach Jerry Yee.

Nagmula din ang La Salle sa 29-27, 25-23, 25-20 panalo  kontra Far Eastern University noong Miyerkules kung saan natunghayan ang pagbabalik-aksyon ni dating UAAP MVP Ara Galang.

Bagama’t halata na ingat sa kanyang pagtalon, nagawa pa ring makapagtala ng 10 puntos si Galang kasama ang limang digs at limang receptions.

Huhugutan din ng lakas ng Lady Spikers sina Mika Reyes, Ca­rol Cerveza, Majoy Baron, Christine Soyud, May Luna at setter Kim Fajardo para talunin ang Lady Maroons.

ACIRC

ADAMSON UNIVERSITY

AGAINST LA SALLE

ANG

ARA GALANG

CHRISTINE SOYUD

DE LA SALLE UNIVERSITY

LA SALLE

LADY

LADY MAROONS

LADY SPIKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with