Donaire vs bedak sa Big Dome sa Abril
MANILA, Philippines – Opisyal nang inihayag kahapon ng Top Rank Promotions ang pagdedepensa ni Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. para sa kanyang hawak na world super bantamweight crown.
Itataya ni Donaire ang kanyang bitbit na World Boxing Organization super bantamweight crown laban kay Zsolt Bedak ng Hungary sa Abril 23 sa Smart Araneta Coliseum.
“t’s a great opportunity for Nonito to defend his world championship in his homeland against a world-ranked and extremely capable opponent,” wika ni Carl Moretti ng Top Rank sa Donaire-Bedak cham-pionship fight na isasaere ng ABS-CBN.
Muling nakamit ni Donaire ang bakanteng WBO title matapos lusutan si Cesar Juarez sa pamamagitan ng unanimous decision win noong Disyembre 11 sa Puerto Rico.
Tinanggal ng WBO ang titulo kay Cuban Guillermo Rigondeaux na nauna nang tumalo kay Donaire.
Ang WBO super bantamweight belt ay nakuha ni Donaire matapos ta-lunin si Wilfredo Vazquez Jr. noong 2012 sa San Antonio, Texas.
Ang unanimous decision win ni Donaire kay Juarez ang muling nagbigay sa tubong Talibon, Bohol ng nasabing 122-pound crown.
Naghari ang 33-anyos na si Donaire (36-3-0, 23 KOs) sa flyweight, bantamweight, super bantamweight at featherweight divisions.
Matapos maisuko ang dating hawak na featherweight title via sixth-round knockout kay Nicholas Walters ng Jamaica noong Oktubre ng 2014 ay muling bumaba si Donaire sa super bantamweight division.
Tatlong sunod na pa-nalo ang itinala ni Donaire sa kanyang pagbabalik sa naturang dibisyon.
Ang 32-anyos na si Bedak (25-1-0, 8 KOs), ay nasa isang 10-fight winning streak matapos matikman ang kauna-unahan niyang pagkatalo kay Vasquez noong 2010.
- Latest