Kinaya ng San Miguel
MANILA, Philippines – Ngunit sadyang hindi na napigilan ang Beermen sa pagsusulat ng kasaysayan laban sa Aces.
Kinumpleto ng San Miguel ang pagbangon mula sa 0-3 pagkakaiwan nang talunin ang Alaska sa Game Seven, 96-89 para tuluyang angkinin ang korona ng 2016 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon ay pinilit ni Alaska coach Alex Compton na baguhin ang ‘destiny’ ng San Miguel.
Sinunog niya ang kanilang tatlong mandatory timeouts sa unang minuto ng laro matapos ang opening tip at kaagad pinalitan ang kanyang starting five na sina Cyrus Baguio, Dondon Hontiveros, Eric Menk, Rome dela Rosa at center Sam Eman.
Itinagay ng Beermen ang kanilang ikatlong PBA championship sa hu-ling apat na komperensya, kabilang dito ang paghahari sa nakaraang Philippine Cup at Governor’s Cup na kanilang inangkin nang gibain ang Aces.
“I said before that a mi-racle is just around the corner, and now it happened,” wika ni coach Leo Austria na hindi nakitaan ng pang-hihina ng loob nang mabaon sa 0-3 sa serye.
Kumamada si back-to-back PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo, nagkaroon ng hyperextended left knee injury sa semifinals series ng San Miguel at Rain or Shine, ng 13 points sa third period kung saan umarangkada ang Beermen para iposte ang 21-point lead, 68-47, sa huling 2:10 minuto nito.
Kinilala naman ng PBA Press Corps si Chris Ross bilang Finals MVP.
SAN MIGUEL 96 - Fajardo 21, Ross 21, Lassiter 15, Santos 13, Cabagnot 8, De Ocampo 7, Tubid 7, Espinas 2, Lutz 2, Heruela 0.
Alaska 89 - Banchero 21, Abueva 16, Baguio 10, Casio 8, Exciminiano 8, Hontiveros 6, Baclao 4, Jazul 4, Thoss 4, Dela Rosa 3, Manuel 3, Dela Cruz 2, Eman 0, Menk 0.
Quarterscores: 22-16, 43-38, 68-51, 96-89. (RC)
- Latest