^

PM Sports

Westbrook nagposte ng ikaanim na triple-double

Pang-masa

OKLAHOMA CITY - Muli na namang ginawa ni point guard Russell Westbrook ang lahat ng bagay para sa panalo ng Thunder.

Nagposte si Westbrook ng 26 points, 14 assists at 10 rebounds para sa kanyang ikaanim na triple-double sa season at akayin ang Oklahoma City sa 116-108 panalo laban sa Houston Rockets.

“It’s part of my job, man,’’ sabi ni Westbrook. “Just trying to find guys, getting the ball where they can score, keep the pace up.’’

Sinamantala rin ng Thunder para sa kanilang tagumpay ang pagkakasibak kay center Dwight Howard ng Rockets.

Napatalsik sa laro si Howard sa third quarter matapos makuha ang kanyang ika­lawang technical foul.

Nagdagdag si Kevin Durant ng 33 points at 12 rebounds para sa Thunder, naipanalo ang 10 sa kanilang huling 11 laro.

Sa Aurbun Hills, Michigan, sa unang pagkakataon ngayon season ay umiskor sina All-Star LeBron James, Kevin Love at Kyrie Irving ng malaking produksyon sa isang laro para sa Cleveland.

Nagtala si Love ng 29 points, habang may 28 si Irving at 20 si James para banderahan ang Cavaliers sa 114-106 panalo sa Detroit Pistons.

Nagdagdag si James ng 9 rebounds at 8 assists.

“We always talk about, it starts and ends with the ‘Big Three,’ and those two guys got it done,” wika ni James. “I filled in, did what I needed to do to help us win.”

Ito ang pangatlong sunod na panalo ng Cavaliers makaraang matalo sa Chicago Bulls sa  unang laro ni Tyronn Lue bilang bagong coach ng Cleveland.

Nagtala ang Cleveland ng halos 114 points sa ka­nilang huling laro.

Nilampasan ni James ang 26,000-point mark sa third period para maging pinakabatang player na naka­mit ito sa edad na 31 taon at 30 araw.

Umangat din siya sa top 20 sa NBA sa career assists nang lampasan si Derek Harper.

Naglista si Andre Drummond ng 20 points at 8 rebounds para sa Detroit.

Sa Los Angeles, umiskor si Lance Stephenson ng 16 points para tulungan ang Clippers sa 105-93 panalo laban sa Lakers at ilista ang kanilang franchise-record na pang-siyam na sunod na ratsada.

Tumapos si guard Chris Paul na may game-high na 27 points para sa Clippers, muling hindi nakuha ang serbisyo ni Blake Griffin na may broken right shooting hand matapos suntukin ang isang team staff member.

ACIRC

ANG

BIG THREE

BLAKE GRIFFIN

CHICAGO BULLS

CHRIS PAUL

DEREK HARPER

DETROIT PISTONS

DWIGHT HOWARD

HOUSTON ROCKETS

PARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with