^

PM Sports

Angara natuwa sa pagkakataong ibinigay ng FIBA sa Pinas

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagpasalamat si Senator Sonny Angara sa The International Basketball Federation o FIBA sa pagbibigay ng pagkakataon na maging FIBA Olympic qualifiers hosting ang Pilipinas.

“Ipinaaabot ko ang aking taos-pusong pasasa-lamat sa FIBA sa pagkakataong ipinagkaloob nila sa Pilipinas bilang isa sa mga punong-abala ng FIBA Olympic Qualifying Tournament.  Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng home court advantage ang Gilas Pilipinas sa huli nitong laban upang mapabilang sa mga koponang makakapasok sa 2016 Rio Olympics.  Malugod ko ring binabati ang Samahang Basketbol ng Pilipinas, lalung-lalo na ang pangulo nito na si Manny V. Pangilinan na nanguna upang maisakatuparang lahat ang mga ito,” wika ni Sen. Angara, chairman ng Committee on Games, Amusement and Sports.

“Nananawagan po ako sa ating mga kababayang tagahanga ng basketball na suportahan natin ang Philippine team at ipagdasal na makapasok tayo sa inaasam-asam na Olympic basketball tournament. Buo ang aking tiwala na muling magpapakita ng lakas at galing na may puso ang ating koponan na siyang magbibigay parangal sa ating bansa. Mabuhay ang Gilas Pilipinas,” dagdag pa nito.

AMUSEMENT AND SPORTS

ANG

ANGARA

GILAS PILIPINAS

INTERNATIONAL BASKETBALL FEDERATION

MANNY V

OLYMPIC QUALIFYING TOURNAMENT

PILIPINAS

RIO OLYMPICS

SAMAHANG BASKETBOL

SENATOR SONNY ANGARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with