^

PM Sports

‘Di tatalunin ni Bradley si Manny-Roach

Pang-masa

MANILA, Philippines – Napigilan man ni Timothy Bradley, Jr. si Brandon Rios sa ninth round noong Oktubre ay hindi pa rin ito garantiya na tatalunin niya si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa kanilang pangatlong pagtutuos sa Abril 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Freddie Roach, ang chief trainer ni Pacquiao, maaari na ring magretiro si Bradley dahil sa kanyang pangit na ipinakita laban kay Rios.

“Bradley hasn’t beaten Manny yet, and he’s not going to beat Manny on April 9,” sabi ni Roach sa kasalukuyang American world welterweight king.

Nauna nang tinalo ni Bradley si Pacquiao sa pamamagitan ng kontro-bersyal na split decision sa kanilang unang paghaharap noong Hunyo ng 2012.

Nakabawi naman si Pacquiao nang kunin ang unanimous decision victory sa kanilang rematch noong Abril ng 2014.

Sa kanyang muling pagharap kay Pacquiao sa ikatlong pagkakataon ay makakatulong ni Bradley si trainer Teddy Atlas, pumalit kay Joel Diaz.

“I don’t think he’s gonna help anything,” sabi ni Roach kay Atlas na naging cornerman ni Bradley nang pasukuin si Rios. “In my opinion, he’s not gonna be able to.”

Ito ang magiging unang laban ng 37-anyos na si Pacquiao matapos matalo kay Floyd Mayweather, Jr. noong Mayo 2 kung saan siya nagkaroon ng torn rotator culf sa kanang balikat sa fourth round.

Ang naturang balikat ni Pacquiao ang siyang pupuntiryahin ng 33-anyos na si Bradley sa kanilang ‘trilogy’.

“I think the answer would be - what would you do? C’mon lets think here. You are a smart guy. What would you do? Would you target that shoulder? Would you do? I will do whatever it takes to win,” sabi ni Bradley.

Ang right shoulder injury ni Pacquiao ay sinasabing nalasap niya sa isang aksidente sa jetski sa United States. (RC)

ABRIL

ACIRC

ANG

BRADLEY

BRANDON RIOS

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

JOEL DIAZ

LAS VEGAS

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with