Smith balik sa Houston
HOUSTON – Muling kinuha ng Rockets si Los Angeles Clippers forward Josh Smith, ayon sa mga league sources ng Yahoo Sports.
Nauna nang binalak ng LA Clippers na bitawan si Smith at ang trade ang nagbigay sa koponan ng natipid na $2 milyon sa luxury tax.
Ilang Rockets players ang gustong maibalik si Smith sa Houston.
Matapos maisuko ng Rockets si Smith sa Clippers sa free agency noong July, ang kanyang kabiguang makahanap ng mahalagang papel sa Los Angeles ang nagpadali sa kanyang trade.
Nagsisi si Smith sa pag-abandona sa Rockets kung saan siya nakatulong sa pagsampa ng Houston sa nakaraang Western Conference Finals.
Lumagda si Smith ng isang one-year deal sa Clippers para sa league minimum ngunit hindi nakasundo si coach Doc Rivers.
Magbibigay ang Clippers ng pera sa Rockets para bayaran ang natitirang $460,000 sa pinirmahang $1.4 million minimum salary ni Smith ngayong season pati na ang draft rights kay Sergei Lishouk. Ibibigay naman ng Houston sa Clippers ang karapatan kay Maarty Leunen.
Nagposte si Smith ng mga averages na 12 points, six rebounds, 2.6 assists at 1.2 blocks sa 55 games para sa Rockets noong nakaraang season.
- Latest