^

PM Sports

Pacquiao atat nang mag-ensayo para sa ‘trilogy’ nila ni Bradley

Abac Cordero - Pang-masa

VANCOUVER, Canada – Ayaw ni Manny Pac­quiao na maantala ang kanyang gagawing paghahanda para sa kanilang ikat­long pagtutuos ni Ti­mothy Bradley, Jr.

Habang naghahanda ang siyudad para sa isang weekend snowstorm, uma­lis si Manny Pacquiao ng New York noong Biyernes ng umaga para sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas matapos ang kanilang press tour ni Bradley.

Umalis si Pacquiao ng Le Parker Meridien sa West 56th Street ng alas-7 ng umaga sa ilalim ng sub-zero temperature.

“Kailangan makaalis na tayo rito,” wika ni Pacquiao bago umalis ng kanyang hotel sa New York.

Sumakay siya ng itim na SUV na nagdala sa kan­ya sa JFK Airport.

Nakasama ng 37-an­yos na boxing superstar ang kanyang grupo at ang asawang si Jinkee sa pag­lulan sa isang Philippine Airlines flight patungong Ma­nila via Vancouver.

Mayroong forecast ng isang snowstorm sa New York, at ayaw ni Pacquiao na maipit.

Umupo si Pacquiao sa kanyang first class seat sa PR 127 at matapos ang one-hour layover ay muli siyang sumakay sa parehong eroplano para sa isang 13-hour flight patungong Manila at naka­takdang bumiyahe sa Ge­neral Santos City.

Sinabi niyang hindi si­ya nakatulog sa four-hour flight sa Vancouver.

Sa kanyang pag-uwi ay ilalatag ni Pacquiao ang kanyang plano para sa isang eight-week training.

Ito ang ikatlong beses na magsasagupa sina Pacquiao at Bradley matapos noong 2012 at 2014 at sinasabing magiging pi­na­kahuling laban ni Pacquiao.

“Last fight. Kailangan impressive,” sambit ni Pac­quiao.

Nagdesisyon si Pacquiao na magsanay sa Ge­neral Santos City.

“It will be the first or second week of February. Freddie Roach will arrive in the Philippines either on the 13th or 14th of Feb­ruary for the training,” sabi ni Filipino-speaking American David Sison.

Ayaw magsanay ni Pac­­quiao sa Manila dahil maraming istorbo.

Kakandidato siya pa­ra sa Senatorial seat sa May elections at nanga­ngambang guguluhin ng kanyang mga kaibigan sa pulitika.

Sinabi pa ni ‘Pacman’ na pansamantala muna niyang iiwanan ang pagi­ging playing-coach ng Ma­hindra Enforcers sa PBA para tutukan ang kan­yang training.

“Next time na muna sa PBA. Hindi rin ako maka-focus. I can’t play while I train,” ani Pacquiao.

ACIRC

AMERICAN DAVID SISON

ANG

AYAW

BRADLEY

FREDDIE ROACH

KANYANG

NEW YORK

PACQUIAO

SANTOS CITY

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with