^

PM Sports

Para angkinin ang korona ng PBA Philippine Cup Alaska pakay ang sweep sa San Miguel

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bagama’t angat sa 3-0, hindi pa rin nagkukumpiyansa si Alaska coach Alex Compton sa kakayahan ng nagdedepensang San Miguel.

Inaasahan ni Compton na pipilitin ng Beermen, kahit wala si back-to-back PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo, na talunin ang Aces nga­yong alas-5 ng hapon sa Game Four ng 2016 PBA Philippine Cup Finals sa Philsports Arena sa Pasig City.

“I’m hoping we can fi­nish it at the Ultra (Philsports Arena) but we’ve talked about how they will not hand us anything,” sa­bi ni Compton sa tropa ni mentor Leo Austria.

Nasa isip ng Alaska na makaganti sa San Miguel na tumalo sa kanila sa nakaraang 2015 PBA Philip­pine Cup at Governor’s Cup Finals.

Bitbit ngayon ng Aces ang malaking 3-0 kalama­ngan sa kanilang best-of-seven championship series ng Beermen.

“Iyong ginagawa namin, kahit nandiyan si June Mar o wala, iisa lang ang preparation namin sa kanila. Talagang laro lang kami,” sabi ni power forward Vic Manuel, isa sa mga susi ng tatlong sunod na panalo ng Alaska laban sa San Miguel.

Sinasabing tuluyan nang ipapahinga ni Austria ang 6-foot-10 na si Fajardo para pagalingin ang nalasap nitong hyperextended left knee injury na nangyari sa Game Six ng kanilang semifinals series ng Rain or Shine.

Ayon kay Austria, mas mahalaga ang PBA career ni Fajardo.

“Mag-undergo pa si June Mar ng rehab, but de­finitely he will not play because it could aggravate his injury,” sabi ni Austria sa Cebuano giant.

Dahil sa inaasahang pag-upo ni Fajardo ay pi­pi­litin ng Alaska na ma­duplika ang ginawang 4-0 sweep ng Purefoods at Talk ‘N Text sa PBA Finals noong 2010 at 2013, ayon sa pagkakasunod.

Huling nakatikim ng All-Filipino Cup ang Aces noong 2000 sa ila­lim ni two-time PBA Grand Slam coach Tim Cone, nasa bench ngayon ng Ginebra Gin Kings.

“Ibibigay lang namin ‘yung best namin para ma­­­nalo kami,” deklaras­yon ni Manuel, makaka­tuwang muli sina Cyrus Ba­guio, Calvin Abueva, Sonny Thoss, Chris Banchero at RJ Jazul para sa Alaska.

Huling nagkampeon ang Aces noong 2013 PBA Commissioner’s Cup sa tulong ni import Rob Do­zier at sa pamamahala ni bench tactician Luigi Trillo.

Muli namang ibabandera ng Beermen sina Ar­wind Santos, Alex Ca­bag­not, Marcio Lassiter, Yancy De Ocampo, Gabby Espinas, Chris Ross at Ronald Tubid.

Huhugot din ng lakas si Austria kay 6’8 Jay-R Reyes na tumapos na may 13 points sa kanilang 75-82 kabiguan sa Game Three noong Biyernes sa Lucena.

ACIRC

ALEX CA

ALEX COMPTON

ALL-FILIPINO CUP

ANG

BEERMEN

FAJARDO

JUNE MAR

PHILSPORTS ARENA

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with