Perpetual kampeon sa NCAA Jr. volley
MANILA, Philippines – Bumangon ang Perpetual Help mula sa kabiguan sa second at third set para resbakan ang Emilio Aguinaldo, 25-21, 22-25, 19-25, 25-16, 15-11 at angkinin ang kanilang ikalawang sunod na juniors title sa 91st NCAA volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Humataw sina team captain Jody Margaux Severo at Darwin John Salaposo ng tig-17 hits at nagpasabog si Ivan Encila ng 13 para kumpletuhin ng Junior Altas ang two-game title sweep laban sa Brigadiers sa pagsikwat sa kanilang back-to-back high school crown.
“The boys showed heart. We were down but they never panicked and adjusted well,” wika ni Perpetual Help coach Sandy Rieta.
Ito ang pang-walong titulo ng Perpetual Help sa kabuuan sa ilalim ng league-best na 15 kampeonato ng San Sebastian Junior Stags.
- Latest