^

PM Sports

Wala nang problema sa balikat ni Manny

Pang-masa

NEW YORK CITY – Nagpunta si Manny Pacquiao sa kanyang doctor sa Los Angeles noong Martes at umalis sa clinic na maganda ang kondisyon ng kanyang kanang balikat na inoperahan noong Mayo.

Binigyan si Pacquiao ng ‘go signal’ para sa kanyang laban sa April 9.

“Ready to go. Ready to fight,” sabi ni Pacquiao sa check-in counter ng Los Angeles International Airport noong Miyerkules ng hapon.

“The doctor was very pleased and very surprised with the recovery. He has placed no restrictions on Manny,” wika naman ni Michael Koncz. “It’s a hundred percent.”

Limang oras bumiyahe si Pacquiao sakay ng Virgin America flight patungong New York para sa ikalawa at huling bahagi ng kanilang press tour eksaktong 79 araw para sa kanilang ikatlong paghaharap ni Timothy Bradley.

Ang huling press conference ay nitong Huwebes sa Madison Square Garden at itinakda ng mas maaga ang mga media interviews sa dalawang boxers at sa kanilang mga trainers.

Magbabalik sa Pilipinas si Pacquiao sa Biyernes ng umaga at maaaring dumating sa Manila ng alas-8:30 ng umaga kinabukasan.

 Ang pakikipagsuntukan kay Bradley ang pang-66 at huling laban ni Pacquiao.

Nagdesisyon siyang magretiro matapos ang dalawang dekada sa boxing ring.

Sa Mayo ay haharapin niya ang pinakamalaking pagsubok sa kanyang political career sa pagtarget niya sa isang posisyon sa Philippine Senate.

Natalo si Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr. noong Mayo 2 sa MGM at matapos ang apat na araw ay sumailalim sa isang surgery para ayusin ang torn rotator cuff sa kanyang kanang balikat.

ACIRC

ANG

FLOYD MAYWEATHER JR.

LOS ANGELES

LOS ANGELES INTERNATIONAL AIRPORT

MADISON SQUARE GARDEN

MICHAEL KONCZ

NEW YORK

PACQUIAO

PHILIPPINE SENATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with